This was last May 22. Pagkatapos kong mag’enroll diretso na agad ako sa Batangas para mamiesta kina Reah. Haha. Akala ko mga hindi magsisipunta dahil ang tatagal magtext. Sayang wala yung iba. Namiss ko kumain ng madami. Haha. Yung refcake ni Reah ang sarap. Okay, namiss ko lang sila. :)
Sometimes, I randomly hug someone when I feel really sad. Just like now, I want to hug someone. Ugh. I hate this feeling.

Anong pakiramdam ng makalimutan ng taong mahalaga sa’yo? Ang hirap no? Hindi mo alam mararamdaman mo. May sakit, lungkot at panghihinayang dyan sa puso mo. Hindi ka makatulog sa kakaisip kung bakit ganun nalang ang nangyari. Dimadating talaga sa punto na kahit gaano mo pa siya kagustong magstay sa buhay mo, pero kung ayaw na naman niya, wala ka ng magagawa. Alam kong hindi madali ang makalimot, lalo na kung ang taong kakalimutan mo ay nag’iwan ng malaking marka at alaala sa puso at buhay mo. Madaling sabihin na kalimutan nalang ang lahat pero napakahirap gawin. Minsan kasi, kailangan mo din ituon ang sarili mo sa ibang bagay. Hindi yung sa bawat kilos o galaw na ginagawa mo eh, naaalala mo siya. Kailangan mo lang din ng oras. Oras lang ang makakawala ng lahat ng nasa saloobin at nilalaman ng puso mo. Tanging oras lang ang magpapatama ng lahat. Hindi mo kailangang magmadali. Lilipas ang mga araw, buwan at taon at darating din ang oras na masasabi mo sa sarili mo na nakalimutan mo na siya at isa na lamang siyang alaala.
“I’m sorry.” I’m sorry, I didn’t find you sooner.
“Thank you.” Thank you for letting me love you.
“I love you.” Because of you, I learn to love myself.
I don’t know but I’m currently listening to K-pop songs. Even though I don’t understand what’s the meaning of the words they’re saying in their song. I just feel so comfortable and it’s very soothing. The beat and it’s rhythm. The mood of their songs sway my feelings. I never get tired listening to their songs. I think I need to update my playlists with their songs. My favorite K-pop songs as of now are, Second Confession of BTOB, Love Blossom of K. Will and Bom Bom Bom of Roy Kim. Kudos to K-pop songs!
Malalaman mo lang na nagkamali ka sa mga ginawa mong desisyon kapag nagawa mo ng lunurin ang sarili mo sa kakatawa pero hindi ka pa din masaya at hindi mo pa din magawang tumawa.
Ang hirap magblog kapag wala kang inspirasyon o kaya naman ay pinaghuhugutan. Parang pag isinulat mo yung mga nasa isip mo parang ang boring, hindi katulad nung ang dami mong nasasabi kapag inspirado ka. Ang boring kapag basta na yung lumalabas sa isip mo, parang ang walang kwenta nung mga pinagsasasabi mo. Hindi katulad na pag talagang galing sa kaibuturan ng puso mo yung post mo, madaming makakaramdam ng pinagdadaanan mo. O kaya naman kahit sila ay pareho kayo ng pinagdadaanan. Yung pag inspirado ka, parang kinokontrol ng puso mo yung mga bawat titik at letra na mga sinusulat mo.
Kahit ilang beses mo pang ulit-uliting sabihin sa akin na hindi mo ko makakalimutan o kakalimutan, darating at darating ang araw at oras na gagawin mo yan. Pustahan pa. Gagawin mo yan.
Sa halos magtatatlong taon na ako dito sa tumblr, napansin ko lang na bakit pabata ng pabata ang mga nahuhumaling dito. Ano bang meron dito at pabata na ng pabata? Dose, trese, katorse, kinse parang mamamatay pag hindi nagkaroon ng lovelife. Yung akala mo pinagsakluban ng langit at lupa pag hindi naging sila. Nagiging brokenhearted kahit wala namang meron sa kanila at kahit hindi naman dapat. Naguguluhan ako. Pero hindi ko naman sinasabi na matanda na ako. Yung tipong alam kong ang babata niyo pang mag’isip para sa mga ganitong bagay. Hindi pa masyado bukas yung mga isip niyo para sa mga pwede niyong makita at malaman sa mundo ng tumblr. Mga totoy at nene, magsipag muna kayo sa pag’aaral bago niyo atupagin yang lovelife na yan. Darating yan. Madaming tao sa mundo, hindi ka mawawalan dyan.
Ang bilis ng panahon oh, second year college na ako ngayong darating na semester. Nakakatuwang isipin na ang bilis. Parang nung isang araw kakagraduate ko lang ng highschool at pumasok sa unang taon ng kolehiyo. Pero ngayon, nasa ikalawang taon na agad ako. At naeexcite ako sa mga susunod pang taon ng pagpasok ko. Ngayong college lang ako nakaranas ng late na yung klase. Yung tipong 7:30am yung start ng klase ko tapos yung first professor niyo dadating eh, 8:15am na. Nakakashet lang. Tapos dirediretso yun, walang break hanggang 12noon. Tapos ang sunod na ulit klase ay 5:00-9:00pm. Oh diba, ang saya. First year palang ako niyan pero yung schedule ng klase ko, nakakawindang.
Ngayong college ko din naranasan mag’intay ng matagal ng bus pag’uuwi. Minsan kasi puno na yung mga dumadaang bus. Eh, sayang naman yung P35 na pamasahe ko kung hindi ako makaka’upo diba. Pero pag umuulan napipilitan na akong sumakay kahit pa standing. Ayoko magkasakit, mahal magkasakit eh. Pero simula nung pumasok ako ng college, hindi ko pa naranasan malate. Ewan ko kung bakit. Nasanay na din siguro ako na hindi nalalate tulad nung dati nung pumapasok pa ako ng highschool.
Excited na akong pumasok ngayong semester. Sobra na talaga. Namimiss ko na mga kagaguhan naming magkakaklase at ang kulitan namin ng mga kaibigan ko.